-- Advertisements --

Nanguna sa opensa ng Utah Jazz sina Bojan Bogdanovic na may 25 points at si Rudy Gobert na nagdagdag ng 24 points at 15 rebounds upang idispatsa ang San Antonio Spurs, 110-99.

Hindi rin naman nagpahuli si Fil Am player Jordan Clarkson na nag-ambag ng 16 points.

Ito na ang ikalawang sunod na panalo ng Jazz kung saan naipasok ng team ang 22 points mula sa 13 turnover ng San Antonio.

Sa ngayon hawak na ng Utah ang 47-18 record bilang top team habang nasadlak naman ang Spurs sa 31-33.

Liban sa opensa, naging susi rin sa Jazz ang kanilang depensa.

Sa second half lumaki pa ang kalamangan ng Jazz na umabot sa 25 points

Ang Utah at San Antonio ay muling magkakaroon ng face off sa Miyerkules.