Nakaisa na rin ng panalo ang Boston Celtics matapos na masilat ang powerhouse team na Brooklyn Nets sa Game 3 ng first round series matapos pahiyain sa score na 125-119.
Binitbit ni Jason Tatum ang team nang magbuhos siya ng playoff career-high na 50 points sa harap na matinding emosyon ng mga Boston fans.
Nagpakitang gilas si Tatum sa kanyang iba’t ibang mga moves para bumawi sa unang dalawang nakakadismayang games.

Si Tatum ang ika-anim pa lamang na player sa franchise history ng Celtics na naka-score ng 50 points sa isang playoff game.
Malaking tulong din ang ginawa ng kanyang mga teammates na sina Marcus Smart na may 23 points, Tristan Thompson na nagpakawala ng 19 points at 13 rebounds at si Evan Fournier ay may 17 points.
Ang isa pang Boston star na si Kemba Walker ay inalat at meron lamang six points.
Sa bahagi ng Nets nasayang naman ang diskarte nina James Harden na nanguna gamit ang 41 points, Kevin Durant na may 39 points at si Kyrie Irving ay medyo minalas din sa kanyang dagdag na 16 puntos.
Walang tigil naman ang pangangantiyaw ng mga fans kay Irving na dating Celtics player.
Ang Game 4 sa best-of-seven series ay gagawin sa Lunes kung saan papayagan na rin ang Celtics na punuin ng mga fans ang TD Garden.
















