-- Advertisements --

Iniulat ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan Philippine Embassy sa Tokyo at Philippine Consulate General sa Osaka na mung nagsagawa ang Japanese Coast Guard ng aerial search operations.

Sinasabing hirap pa rin ang mga otoridad sa pag-iikot upang hanapin ang 36 pang missing na crew, kabilang na ang apat na mga dayuhan dahil sa delikado ang karagatan at malakas pa rin ang hangin.

Hindi raw kaya ang paggamit ng patrol boats dahil sa masama pa ring lagay ng panahon.

Sa kabila nito, naniniwala naman ang DFA na makakaligtas pa rin ang mga Filipino seafarers mula sa trahedya.

“The Philippine Embassy in Tokyo, the Philippine Consulate General in Osaka and the Philippine Overseas Labor Office (POLO) continue to monitor and coordinate the situation with the Japanese Coast Guard, shipowner and the manning agency to extend all appropriate support for the Filipino seafarers and their families,” ani DFA sa statement.

Nitong nakalipas na araw dalawang Filipino ang na-rescue pero isa na ang namatay.