Nakatakdang bumiyahe sa International Space Station (ISS) ang bilyonaryong negosyante ng Japan.

Si Yusaku Maezawa at ang kaniyang assistant na si Yozo Hirano ay siyang magiging susunod na tourist na magtutungo sa ISS.

Sasakay ang mga ito ng Soyuz MS-20 spacecraft ng Russia.

Gaganapin ang kanilang pagbiyahe sa Disyembre 8, 2021 mula sa Baikonur cosmodrome sa Kazakhstan.