Ikinagalit nina Japanese Prime Minister Yoshihide at Vietnamese Prime Minister ang pananakop ng karagatan na isinasagawa ng China.
Sa mahigit 30 minutong pag-uusap ng dalawa, nababahala sila sa pag-iimplementa ng China ng bagong batas noong Pebrero.
Nakasaad sa nasabing bagong batas na gagamit ang Chinese coast guard ng mga armas laban sa mga barko na sinasabing sasakop sa kanilang teritoryo.
Sinabi ni Suga na nais niyang palakasin ang samahan nila ng Vietnam para magkaroon ng libre at bukas na Indo-Pacific.
Nakatakda kasing ipagdiwang ng Japan at Vietnam ang kanilang ika-50 anibersaryo ng kanilang diplomatic relations sa darating na 2023.
Isinagawa ang pag-uusap ng dalawa matapos na paigtingin ng China ang kanilang pagsakop sa Senkaku Islands isang grupo ng East China Sea Islets na pinamumunuan ng Japan.