-- Advertisements --

Kapit na mga, Filo Ahgases! Muling babalik sa bansa ang GOT7 member na si Jackson Wang para sa kanyang “Magicman 2” World Tour, na nakatakdang ganapin sa Nobyembre 2 sa Maynila.

Inanunsyo ng K-pop idol ang kanyang tour sa kanyang social media, ngunit wala pang detalyeng inilalabas kaugnay sa venue at ticketing.

Magsisimula ang tour sa Bangkok sa Oktubre, at bibisita rin siya sa Macau, Jakarta, Kuala Lumpur, at Tokyo.

Ang concert ay bilang suporta sa bago niyang album na “Magicman 2”, na inilabas nitong Hulyo —ang unang release niya mula nang ilabas ang debut album na Magicman noong 2022, na kinabibilangan ng mga kantang “Blow,” “Dopamine,” at “Come Alive.”

Matatandaang huling bumisita si Jackson sa Pilipinas noong 2022 para sa K-Pop Masterz in Manila at Head in the Clouds music festival.

Samantala, nagbalik-tanaw din ang GOT7 sa kanilang fans noong Enero ngayong taon sa pamamagitan ng EP na “Winter Heptagon.”