-- Advertisements --

Ibinunyag ng Israel na kanilang napatay ang tagapagsalita ng Hamas na si Abu Obeida.

Binati ni Israel Defense Minister Israel Katz ang Israel Defense Forces (IDF) at security agency na Shin Bet dahil sa matagumpay na operasyon.

Bagamat hindi kinumpirma ng Hamas subalit sinabi nila na maraming mga sibilyan ang nasawi sa pinakahuling pag-atake ng Israel.

Aabot sa pitong katao at maraming nasugatan sa airstrike ng Israel sa Rimal ang katabing bayan ng Gaza City.

Isa lamang ito sa pinaigting na air strike ng Israel matapos ang planong opensiba nila.