-- Advertisements --

Inako ng Islamic State o ISIS ang ginawang pag-atake sa Sikh temple sa Kabul, Afghanistan nitong Sabado na ikinasawi ng dalawang indibidwal habang pito ang sugatan.

Batay sa ulat, sinalakay ng suicide attacker ang temple na armado ng machine gun at hand grenades.

Nakasagupa din ng mga attackers ang ilang mga Taliban fighters sa loob ng tatlong oras.

Sa pamamagitan ng isang affiliated Telegram channel, ayon sa local branch ng Islamic State na ang ginawang pag-atake ay tugon sa ginawang pang-iinsulto kay Prophet Mohammed.

Naglabas kasi ng pahayag ang Indian government spokeswoman, na kinondena ng karamihan sa mga Muslim-majority countries.

Ayon sa isang Taliban interior spokesman, isang sasakyan na mayruong explosives ang ginamit ng mga attackers at nadetonate bago pa umabot sa kanilang target.

Ayon naman sa isang temple official na si Gornam Singh, nasa 30 katao ang nasa loob ng building ng mangyari ang pagsabog.

Inihayag ng tagapagsalita ng Kabul’s commander, isang Sikh worshipper ang nasawi at isang Taliban fighter.

Simula ng makontrol ng Taliban ang Afghanistan, pinalakas pa nito ang kanilang seguridad sa bansa.

Mariin naman kinondena ng UN’s mission to Afghanistan ang pag-atake sa mga minorities.