-- Advertisements --

Inako ng ISIS ang naganap na magkasunod na pagsabog sa Kerman City, sa southern Iran.

Sa inilabas na pahayag ng grupo, na dalawang suicide bombers ang nagpasabog sa kanilang sarili.

Isinagawa ito habang ginugunita ng mga Shite ang ika-apat na taon na pagkasawi Iranian Quds Force Commander Qasem Soleimani.

Magugunitang ang pagsabog ay naganap malapit sa libingan ni Soleimani kung saan nagtala ng 84 katao ang nasawi at ikinasugat ng 284 na iba pa.

Ito na ang itinuturing na pinakamadugong pagbobomba mula pa noong 1979.