NAGA CITY- Patay ang isang barangay kapitan matapos atakihin sa puso sa Bombon, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Kapt. Aldrin Pielago ng Brgy. San Isidro sa naturang bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLt. Rechilda Matias, hepe ng Bombon Municipal Police Station, sinabi nito na habang pauwi na mula sa lungsod ng Naga ang biktima kasama ang kaniyang kapatid.

Ngunit bigla na lamang umano itong tumigil sa pagmamaneho at natumba kasabay ng kaniyang motorsiklo.

Dagdag pa ni Matias, agad naman itong nirespondehan ng Health Office at dinala sa ospital ngunit binawian din ng buhay.

-- Advertisement --

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na matagal nang nakakaranas ng sakit ang biktima at nakadagdag pa ang init ng panahon.

Sa ngayon, kasalukuyan ng nakaburol ang nasabing kapitan sa kanilang bahay sa naturang barangay.