CAUAYAN CITY- Naitala ng31 panibagong kumpirmadong kaso ng COVID 19 sa Isabela.

Dahil sa panibagong kaso, umakyat na sa 573 ang kabuoang aktibong kaso ng COVID 19 sa lalawigan habang naitala naman ang 49 na panibagong gumaling.

Sa naturang bilang 11 ang naitala sa Angadanan Isabela, apat mula sa Cauayan City, tatlo sa Santiago City, tig-dalawa sa Gamu at Alicia.

Nakapagtala ng tig-iisang kaso ng COVID 19 ang mga bayan ng Cordon, Delfin Labano, Luna, Ilagan, Nagulian,Ramon,San Mateo, San Pabloat San Mariano.

Dalawa ang returning overseas Filipino Worker,13 ang non-APOR, 32 ang health worker, 32 rin ang pulis at 494 ang mula sa local transmission.

-- Advertisement --

Patuloy ang paalala ng mga kinauukulan sa publiko na sumunod sa mga panuntunan upang manatiling ligtas sa virus.