-- Advertisements --

Nagbitiw sa kaniyang puwesto si Irish Prime Minister Leo Varadkar.

Sa kaniyang surpresang anunsiyo na isang pulitikal at personal pero mas pangunahin ang pulitikal na rason kaya siya nagbitiw.

Mananatili lamang siya hanggang mayroong mapiling papalit sa kaniya sa pagbabalik ng mga mambabatas sa susunod na buwan dahil sila ay naka-recess.

Taong 2017 ng maging Prime Minister siya matapos mahalal bilang lider ng Fine Gael Party.

Siya rin ang tinaguriang pinakabatang premier at unang gay leader.