SPACE X
-- Advertisements --

Naging matagumpay ang kauna-unahang tourism mission ng SpaceX rocket o Inspiration 4X sa kalawakan lulan ang apat na tao.

Pawang mga turista ang lulan ng nasabing rocket at wala ni isa sa kasama nila a ng professional astronauts.

Kinabibilangan ito ng isang billionaire na siyang nagpondo sa mission, cancer survivor, community college teacher at isang empleyado ng lockheed Martin Employee.

Matapos ang paglipad mula sa launch pad sa Kennedy Space Center ng NASA sa Florida sa may bilis na 17,000 mile per hour ay humiwalay ang capsule kung saan sakay ng apat na pasahero mula sa rocket.

Mananatili ng tatlong araw ang SpaceX Crew Dragon Capsule na iikot sa orbit bago tuluyang babalik sa karagatan ng Florida sa Linggo

-- Advertisement --