-- Advertisements --

Inanunsiyo ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magbubukas na ang Overseas Filipino Workers (OFW) Hospital sa Lunes Mayo 2.

Sa isang statement, sinabi ng DOLE na ang OFW Hospital na itinayo sa San Fernando City, Pampanga ay magbibigay ng medical care at health services sa mga OFWs at ng kanilang mga dependents.

Mayroon na rin daw Malasakit Center at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Desk sa naturang ospital na makapagbibigay ng mas madaling access sa mga OFWs.

Pangungunahan ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang inspection ng naturang ospital.

Base sa Executive Order 154, inaatasan nito ang pagtatayo ng OFW Hospital at pagbuo ng Inter-Agency Committee on the OFW Hospital.