-- Advertisements --

Lalo umanong gumagaling na ang injury ni two-time MVP Giannis Atentokounmpo bago pa man ang inaabangang simula bukas ng Game 1 ng NBA Finals.

Sa katunayan sumasalang na rin daw ito sa workout upang magpakondisyon sa kaliwang paa na dumanas ng injury.

Gayunman, ayon sa coach ng Bucks, nananatiling kuwestyunable ang kalagayan ni Giannis at wala pa raw katiyakan kung makakalaro na ito sa laban bukas kontra sa Phoenix Suns.

Sentro ngayon ng atensiyon ng mundo ng basketball si Giannis lalo na at sa tingin ng maraming sports analysts ay underdog ang Bucks bunsod na kompleto sa players ang Phoenix Suns at kagagaling lamang sa mas mahabang pahinga.

Para sa Bucks malaking kawalan si Giannis dahil sa nag-a-average ito ng 28 puntos kada laro at 12 rebounds per game.

Liban nito, marami rin daw na nagagawa si Giannis sa loob ng court dahil sa de kalidad na laro nito na hindi kayang tapatan ng ibang players.