TUGUEGARAO CITY-Inihayag ni Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles na maaantala pa rin ang mga infrastructure projects kahit na lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang budget.

Gayunman, sinabi niya na gagawa sila ng paraan upang mabuo pa rin ang mga infra projects.

Karlo Nograles/ FB post

Ayon sa kanya, maaari silang humingi ng exemption mula sa Commission on Elections.

Sinabi ni Nograles na sana ay matapos ang lahat ng mga infra projects hanggang December 31,2019.

Kung sakali aniya at hindi ito magagawa ay hihingi sila ng joint resolution sa kongreso para palawigin ang validity ng 2019 budget.

Kaugnay nito, sinabi ni Nograles na posibleng bago ang semana santa ay pipirmahan na ng pangulo ang budget.

Dagdag pa nito na apat na libro ang nasabing budget na kailangan na busisiin ng pangulo bago niya ito lagdaan.