-- Advertisements --
Bumagal ang bilis nang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo noong Hunyo makalipas ang tatlong magkasunod na buwan na nakapagtala ng flat reading.
Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, pumalo sa 4.1% ang inflation rate noong nakaraang buwan, mas mabagal kumpara sa 4.5% rate noon namang Mayo, Abril, at Marso.
Dahil sa latest reading na ito, ang average inflation rate ng bansa sa first half ng 2021 ay 4.4%, lagpas pa rin sa target band ng gobyerno na 2% hanggang 4%.
Ayon kay Mapa, ang dahilan nang pagbaba ng antas ng inflation noong Hunyo ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng Transport na may 9.6% at 95.4% share sa pagbaba ng presyo.
















