-- Advertisements --

Inatasan na ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia ang Philippine National Police (PNP) at the Armed Forces of the Philippines (AFP) na magsagawa ng imbestigasyon sa pananambang sa convoy ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) interim Chief Minister Abdulraof Macacua.

Sinabi ni Garcia na nais nilang mapanagot ang nasa likod ng nasabing insidente.

Kahit na ito ay may kinalaman sa halalan o hindi ay mahalaga ngayon ang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lugar.

Mahalaga na matiyak ang kapanatagan ng bawat tao at pairalin ang pagrespeto sa constitutional right na napapaloob sa batas.

Magugunitang tinambangan ang convoyy ni Macacua nitong araw ng Sabado, Agosto 15 kung saan patungo ito sa Cotabato City at galing siya sa Maguindanao del Norte.

Dumalo si Macacua sa isang pagtitipon ng Bangsamoro Federalist Party.

Nakaligtas naman si Macacua matapos na hindi sila tumigil hanggang makarating sa Bangsamoro Government Center sa Cotabato City.