Bumilis pa ang angat sa presyo ng mga bilihin at serbisyo sa nagdaang Hulyo 2020.
Ayon sa ulat ng Philippines Statistics Authority (PSA), nakapagtala ng 2.7 percent na headline inflation para sa nasabing buwan.
Mas mataas ito kung ihahambing sa 2.5 percent na naitala para noong buwan ng Hunyo.
Sa pagtaya ng PSA, nagkaroon ng mabigat na impact sa pagbilis ng inflation ay ang pagtaaas sa presyo ng transportasyon bayarin sa transportasyon.
Natapat kasi ito sa kasagsagan ng community quarantine dahil sa COVID-19.
Nabatid na maraming bumyahe sa nasabing buwan para umuwi sa mga lalawigan, habang ang iba ay gumamit ng iba pang behikulo sa mga syudad.
Pero limitado lamang ang dami ng mga sasakyang pinapayagan kaya may ibang nagtaas ng kanilang singil.
Lumalabas na nagkaroon din ng paglobo ang presyo ng renta sa bahay, singil sa tubig, koryente at fuel.
















