Aabot sa 98 na mambabatas ang nakatakdang tumanggap ng opisyal na pagkilala mula sa Kamara matapos makakuha ng perfect attendance sa lahat ng 39 plenary session ng First Regular Session ng ika-20 Kongreso (Hulyo 2025 – Hunyo 2026).
Ayon kay House Ethics Committee Chairman JC Abalos, layon ng House Resolution No. 1394 na itaguyod ang kultura ng disiplina at pananagutan sa gobyerno.
Ang naturang resolusyon ay inihain nina Speaker Bojie Dy III, Majority Leader Sandro Marcos, Minority Leader Marcelino Libanan, at Rep. Abalos upang magsilbing inspirasyon at pamantayan sa lahat ng hinalal na lingkod-bayan.
“Ethics should not only be about punishment. If we want to build a stronger institution, we should also recognize Members who demonstrate the discipline and commitment that public service demands. Hindi lang dapat tayo naghahanap ng mali. Dapat marunong din tayong kumilala ng tama,” pahayag ni Rep. Abalos.










