-- Advertisements --
Umakyat na sa 9,502,132 ang mga dinapuan ng COVID-19 sa buong mundo.
Sa nasabing bilang, 3,836,566 (99%) ang nasa mild condition at 58,364 (1%) naman ang nasa serious o critical condition.
Nananatili namang Estados Unidos ang may pinakamataas na kaso ng mga tinamaan ng COVID-19, kung saan umaabot na ito sa 2,457,560, habang 124,187 ang mga namatay.
Ang mga namatay sa buong mundo ay pumapalo na ang record sa 483,664.
Samantalang ang mga gumaling ay 5,123,538, matapos ang gamutan at quarantine procedure.
















