-- Advertisements --
Tumaas pa sa 3,401,318 ang bilang ng mga infected ng COVID-19 sa buong mundo.
Ang 2,028,641 (98%) sa mga ito ay nasa mild condition, habang ang 51,358 (2%) ay nasa serious o critical condition.
Nangunguna pa rin sa mga bansang may mataas na bilang ng COVID cases ang Estados Unidos na may 1,131,452.
Samantala, nasa 239,614 naman ang mga nasawi na may kaugnayan sa corona virus.
Sa ngayon 1,081,705 na ang naka-recover, matapos ang gamutan at quarantine procedure.
















