Umakyat na sa 12,164,119 ang mga naitalang positibo sa COVID-19 sa buong mundo.

Ang 4,523,771 (99%) sa kanila ay nasa mild condition at 58,319 (1%) naman ang nasa serious o critical condition.

Nananatili naman ang Estados Unidos sa mga bansang may pinakamaraming kaso ng coronavirus (3,158,932) at maging sa mga namatay dahil sa nasabing sakit (134,862).

Sa buong mundo, mayroon nang 552,023 fatalities.

Habang ang mga naka-recover ay 7,030,006, matapos ang gamutan at quarantine procedure.