-- Advertisements --

Umakyat na sa 5,194,574 ang bilang ng mga infected ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa naturang bilang, 2,732,828 (98%) ay nasa mild condition, habang 45,614 (2%) naman ang nasa serious o critical condition.

Nangunguna pa rin ang Estados Unidos sa mga bansang may mataas na bilang ng mga nagposito sa COVID-19.

Sa kasalukuyan, mayroong 1,620,902 cases ang USA at 96,354 naman ang mga nasawi.

Pangalawa ang Russia, sinusundan ng Brazil, Spain at UK.

Sa kabuuan, 334,621 na ang nasawi sa sakit na ito at 2,081,511 naman ang naka-recover.