-- Advertisements --

Humingi ng tulong ang Indonesia sa China para mapunan ang kakulangan ng suplay ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay Indonesian Health Minister Budi Gunadi Sadikin, nais nilang makahingi ng 100 milyon na COVID-19 vaccine doses dahil sa pagkaantala ng pagdating ng AstraZeneca vaccine.

Dagdag pa nito na 20 milyon doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine ang darating sa pamamagitan ng bilateral deal noong 2021.

Sa 2nd quarter pa ng 2021 nakatakdang dumating din ang 30 milyong doses ng Astrazeneca.

Bukod sa China ay nakipag-ugnayan rin sila sa US para makahingi ng bakuna.

Umabot na kasi sa mahigit 9.22 milyong katao sa Indonesia ang naturukan na nila ng COVID-19 vaccines.