NAGA CITY – Sugatan ang isang Indian national matapos magbabarilin ng riding in tendem suspects sa Barangay Anayan, Pili, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si si Ranjeet Sidhu, 29.

Sa panayam ng ng Bombo Radyo Naga kay PMaster Sgt. Eleno Calongui Jr., tagapagsalita ng PNP Pili, sinabi nitong nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan upang matukoy ang motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Una rito, sakay ng motorsiklong minamaneho ni Joemar Guevarra ang biktima nang bigla na lamang pinaputukan ng dalawang beses ng hindi nakilalang mga suspek.

Tinamaan sa dibdib ang biktima na agad namang isinugod sa ospital.