-- Advertisements --
Nakapagtala ang India ng 39,070 na bagong kaso ng COVID-19 sa loob ng 24 na oras.
Ayon sa federal health ministry na umaabot na sa kabuuang 31.93 milyon ang naitalang kaso sa nasabing bansa.
Nadagdagan rin ng panibagong 491 ang nasawi na nagdudulot ng kabuuang 427,862 na ang nasawi.
Nauna rito isa ang India sa matinding tinamaan ng COVID-19 noon pang nakaraang mga taon.