-- Advertisements --

NAGA CITY- Wala aniyang katiyakan kung may mangyayaring inauguration para kay US President-Elect Joe Biden.

Sa ulat ni Bombo International Correspondent Sarisa mula sa Texas, sinabi nito na posibleng magkaroon ng Emergency Broadcasting sa buong US bukas dakong alas 12:00 ng tanghali oras sa naturang bansa.

Aniya, posibleng magkaroon ng shutdown sa Washington DC kung saan maaari umano itong tumagal ng 10 araw.

Dagdag pa nito, ilalathala aniya ni US President Donald Trump ang lahat ng kontrobersiya mula pa sa termino ni dating Presidente Barack Obama hanggang kay Biden.

Sa ngayon, ang ikinatatakot ng karamihan sa naturang bansa ay ang posibilidad pa na magkaroon ng Martial Law.

Sa katunayan, ilan umano sa bahagi ng nasabing bansa ang naghahanda na para sa naturang Martial Law kung saan nag-iikot na rin ang mga otoridad.

Samantala, nasa 25,000 hanggang 30,000 na umano ang nakadeploy na US martial military sa Wahington DC.