Magiging simple at tradisyunal lamang daw ang inauguration ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa Huwebes June 30.
Sinabi ni Franz Imperial, isa sa mga head ng preparation committee para sa naturang event, ang programa ay all set na rin maliban sa ilang maliliit na lamang na details na kailangan pang isapinal.
Una nang sinabi ni Marcos sa kanyang Vlog na hindi lilihis pa sa tradisyon ang naturang inagurasyon.
Samantala, ang Television host na si Toni Gonzaga naman ang aawit ng Philippine National Anthem.
Ang inauguration song namang “Pilipinas Kong Mahal,” ay kakantahin ng singer na si Cris Villonco at ang Young Voices of the Philippines Choir.
Manunumpa si Marcos kay Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo.
Mayroon namang isasagawang 30-minute military-civil parade bago ang ecent.
Ang detalye naman ng ecumenical invocation ay patuloy pa ring isinasapinal.
Kung maalala, idineklara na rin ni outgoing Manila Mayor Isko Moreno na special non-working holiday sa Manila para sa inagurasyon ni Marcos.