NAGA CITY – Nakatakdang ihatid sa huling hantungan ang labi ng ina ni Vice President (VP) Leni Robredo sa Naga City ngayong araw.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga, bandang alas-3:30 mamayang hapon ililibing si Salvacion “Sally” Gerona sa Eternal Garden.

-- Advertisement --

Bago ito, isasagawa ang huling misa sa Basilica Minore of Our Lady of Penafrancia.

Una nang ibinurol ang ina ni Robredo sa Eternal Chapels and Mortuary, Eternal Gardens sa Balatas Road Naga City, na agad binuksan sa publiko.

Habang ilang mga kaibigan at malalaking personalidad din ang madalas bumisita at nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng 54-year-old vice president.

Kung maaalala, na-confine sa Mother Seton Hospital sa Naga City si Gerona dahil sa iniindang sakit na iniwasang isapubliko ng pamilya Robredo.

Hanggang sa binawian na ng buhay nitong Pebrero 22 sa edad na 83.

Si Gerona ay asawa ng dating Regional Trial Court Judge na si Antonio Gerona.

Naging Dean ito ng College of Education at Gradute school bago naging Vice President for Academics ng Universidad De Sta. Isabel, Naga City.