-- Advertisements --
image 107

Isinasapinal na ang implementing rules and regulation ng kontrobersiyal na Maharlika Investment Fund na inaasahang ipapatupad bago ang pagtatapos ng taon.

Ayon kay Finance Secretaru Benjamin Diokno, sinimulan ang pagbalangkas ng implementing rules and regulations matapos aprubahan ang MIF bill.

Aniya, nakasaad sa Section 54 ng MIF bill na ang IRR ay dapat na makumpelto sa loob ng 90 araw mula ng maging epektibo ang batas.

Subalit ayon kay Diokno na maaaring hindi na umabot pa ng 90 araw para matapos ang pagbalangkas ng IRR.

Matatandaan na sa unang bahagi ng Hunyo, inaprubahan ng Kongreso ang MIF bill kasabay ang pag-adopt sa Kamara sa bersyong panukalang batas ng Senado sa isinagawang bicameral conference committee meeting.

Bago ito, inamyendahan ng Senado ang bersyon nito kung saan ipinagbawal ang paggamit ng state pension at insurance funds sa pag-invest sa MIF, na nakapaloob din sa probisyon sa ilalim ng bersyon ng Kamara na inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa noong Diyembre ng nakalipas na taon.

Nitong Miyerkules naman, kinumpirma ng Palasyo Malacanang na natangap na nito ang panukalang MIF bill.

Una ng sinabi ni Diokno na posibleng lagdaan ni PBBM ang kauna-unahang sovereign wealth fund ng bansa bilang batas bago ang ikalawang state of the nation address ng punong ehekutibo sa Hulyo 24.