-- Advertisements --

Patuloy ang ikinakasang malalim na imbestigasyon ng Philippine national Police (PNP) hinggil yan sa insidente ng pamamaril sa Puerto Princesa na siyang naging dahilan ng pagkasawi ng dalawang pulis at sang Bureau of Corrections (BuCror) personnel noong Abril 3.

Ayon kay MIMAROPA Police Regional Office Director PBgen. Jovencio Badua Jr., para matiyak ang mabils na pagkakatukoy sa mga suspek at sa tunay na nangyari sa insidente ay bumuo na sila ng isang Special Investigation Task Group para pangunahan ang “focused” at “coordinated” investigation sa pamamaril.

Kabilang sa kasalukuyang ginagawa ng pulisya ay ang pangangalap ng mga ebidensya, pagsususri ng mga ito at pagtutugma ng mga pangayayari.

Nauna na rito ay kaalukuyan nanag nakatakaga bilang Acting Puerto Princesa City Police Office director si PCol. Dennis De Leon matapos sibakin sa pwesto ang dating hepe ng estasyon upang matiyak ang maayos na lderato at pagpapatuloy ng mg operasyon sa kabila man ng naging insidente.

Samantala, nagpaabot naman na ng taos-pusong oakikiramaay ang PNP sa pamilya ng mga nasawing pulis kung saan tiniyak ang pagbibigay suporta sa mga ito.

Kinilala rin ni PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang hindi anyang matatwarang tapang ng mga nasawing pulis na buong pusong gumanap sa kanilang tugkulin para makapagbigay ng seguridad sa kanilang komunidad at sa bayan.

Tiniyak rin ng Pambansnag Pulisya na pananatiling ligtas ng pulisya ang rehiyong ng Palawan sa kabla man ng naging madugong engkwentro.