-- Advertisements --
Mayor jerry trenas Iloilo
Iloilo City Mayor Jerry Treñas

ILOILO CITY – Nagbanta si Iloilo City Mayor Jerry Treñas na babarilin ang sinumang magbibigay ng deadline o palugit sa mga apektado ng enhanced community qurantine sa lungsod ng Iloilo.

Ito ay kasunod ng anunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbibigay sila ng social amelioration sa mga pamilya na nabibilang sa mga vulnerable sectors sa loob ng dalawang buwan.

Ang nasabing ayuda ay hango sa Republic Act (RA) 11469 o “Bayanihan to Heal as One Act.”

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Treñas, sinabi nito na sa gitna ng pandemic, nararapat na magtulungan ang lahat.

Ayon sa alkalde, hindi dapat na magbigay ng palugit ang DSWD sa mga pamilya na apektado ng pandemic dahil pag-unawa ang dapat gawin at hindi ang pagpilit sa mga ito na ibigay ang mga requirements sa lalong madaling panahon.

Napag-alaman na umaabot na sa tatlo ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Lungsod ng Iloilo kung saan isa ang naitalang patay.