-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nagnegatibo si Iloilo City Mayor Jerry Treñas sa isinagawang swab test matapos nagkaroon ng close contact sa isang COVID-19 positive.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Treñas, sinabi nito na nakipagpulong siya sa isang COVID-19 positive na hindi nito pinangalanan.
Ayon kay Treñas, sumailalim siya sa RT-PCR test upang matiyak ang kanyang kalagayan.
Maging ang maybahay ng alkalde at kanilang anak ay isinailalim rin sa swab test matapos nakaclose contact rin ng alkalde at negatibo rin ang resulta.