ILOILO CITY – Epektibo na ang “no vaccine, no work policy” sa mga nagtatrabaho on-site sa Iloilo City.
Ito ay kasunod ng resolusyon ng National Inter-Agency Task Force (NIATF) kung saan ang mga lugar na may sapat na bakuna ay dapat na mag-require sa mga establisyemento at empleyado sa private at public sector na magpabakuna laban sa COVID-19.
Ang mga unvaccinated na empleyado ay kailangang sumailalim sa regular na Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na magbibigay ang lungsod ng “one-time” free RTPCR test para sa mga unvaccinated individual.
Una nang hiniling ng ilang mambabatas sa Kamara at labor groups na ‘wag munang ipatupad ang naturang polisiya.