Inilabas ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang ilan nilang pag-aaral kaugnay sa palagiang lindol na nararanasan sa lalawigan ng Abra at kalapit na lugar sa Ilocos region.
Ayon sa Phivolcs ang lugar ng Ilocos region sa Northwestern Luzon ay isa sa tinatawag na seismically active region sa bansa.
Ang paggalaw ng lupa sa Abra at sa bisinidad ay dahil umano sa presensiya ng mga active faults sa region.
Tulad ng Abra river fault, west Ilocos fault system, Bangui fault, Naglibacan fault, Manmanoc fault, gayundin ang offshore presence ng Manila trench na nasa west of the province.
Liban sa nabanggit na mga active faults, meron din daw iba pang local faults na natabunan na mga lupa na posible ring pagmulan ng maliit at malakas na paglindol.
Kaugnay nito, nagbabala ang Phivolcs na matapos ang malakas na 6.4 magnitude dapat asahan pa rin daw ng mga residente ang mga aftershocks mula sa minor to moderate-magnitude aftershocks sa epicentral area.
Sa ngayon nasa mahigit 500 na ang naitatala ng Phivolcs na mga aftershocks na maaring magtagal pa ng hanggang ilang linggo.
Doon naman sa bulubunduking bahagi na lugar, hindi rin isinasantabi ng Phivolcs ang posibleng landslides, rock falls, at iba pang mga mass movement.
Maari rin daw mangyari ang liquefaction, doon sa mga lugar na malambot na mga lupa at malapit sa naiimbakan ng tubig.
Kaugnay nito, todo paalala ngayon ang Phivolcs sa mga residente na palagian ang pag-iingat at maging alerto dahil maraming mga istruktura sa Abra ang pinahina na mula ng mangyari rin ang malakas na July 27 earthquake na umabot noon sa 7.0 magnitude.
Para naman sa mga bahay at mga buildings na meron ng mga pinsala, dapat na itong ipasuri sa mga Municipal/City Engineering Office para sa abiso, sa mga civil engineers mga sa local government at iab pang mga ahensiya.
Liban aniya sa kahandaan ayon sa Phivolcs, kung sakaling maranasan muli ang malakas na lindol, ‘wag pa ring kakalimutan ang proteksiyon sa kanilang mga sariling sa pamamagitan ng “drop, cover, and hold.”
Ipinaalala rin ng Phivolcs na sa panahon ng earthquake events, mag-ingat sa mga tsismis o “marites” na madaling mag-panic ang mga tao.
Kaya naman iwasan ang sharing o pagpapakalat ng mga mensahe na hindi naman kumpirmado at hindi nanggaling sa reliable sources.
“At least 40 recorded historical earthquakes were reported in Abra and adjacent provinces between 1589 and 1983 sourced from the Southeast Asia Association of Seismology and Earthquake Engineering (SEASEE)- Series on Seismology Volume IV: A catalogue of Philippine Earthquakes (1985) and the catalog of Bautista and Oike (2000). Two of which are notably strong earthquake events, the September 1862 (M6.2) and September 1877 (M5.6) earthquakes. Recently, the 27 July 2022 M7.0 is the highest magnitude event among instrumentally-recorded earthquakes that have affected the area. The maximum reported
intensity during the M7.0 event was PEIS VII and the shaking was felt as far as the Bicol Region,” bahagi ng Phivolcs “primer on the 25 October 2022 magnitude 6.4 earthquake event of the 2022 Northwestern Luzon earthquake series.”