-- Advertisements --
Tagalog Version – Umabot na sa 1,289 ang kabuuang kaso ng covid-19 sa Ilocos Norte.
Ito ay dahil sa patuloy na pagtala ng probinsya ng mga bagong kaso mula sa iba’t-ibang bayan at siudad.
Base sa huling datos ng provincial government na 268 mula sa nasabing bilang ang mga aktibo kaso.
Samantala, 1,013 ang bilang ng mga gumaling matpos madagdagan ng 10 at habang nanatiling walo ang mga namatay.
Nalaman na karamihan sa mga aktibong kaso ay galing sa bayan ng San Nicolas na may 127 active cases.
Kaugnay nito, mahigpit ang pagpapaalala ng gobierno probinsya ng Ilocos Norte sa mga residente na sumunod sa mga health protocols upang malabanan ang pagdami ng kaso ng covid-19.