-- Advertisements --

Sumasailalim na rin sa adjustment ang ilang mga roll-on-roll-off port sa Visayas upang ma-accommodate ang mga malalaking cargo truck na apektado sa emergency repair ng San Juanico Bridge.

Maalalang inirekomenda ng Office of Civil Defense sa mga cargo truck at bus ang paggamit sa mga RoRo route habang sumasailalim sa malawakang repair ang naturang tulay at nilimitahan lamang ito sa mga sasakyang mas mababa kaysa sa tatlong tonelada.

Ayon sa OCD, marami sa mga RoRo port ay nagpahayag ng kahandaang suportahan ang mga cargo truck.

Halimbawa rito ang Amandayehan Port, Basey, Samar. Agad sumailalim sa round-the-clock repair operations ang naturang pantalan upang agad magaming ng mga cargo truck atbpang malalaking sasakyan na inaasahang magdadagsaan sa kasagsagan ng rehabilitasyon sa naturang tulay.

Ayon sa OCD, ang ibang mga port ay nagpahayag na rin ng kahandaan para rito, kasabay ng ilang adjustment upang ma-accommodate ang lahat ng mga mabibigat na sasakyang hindi makadaan sa pinakamahabang tulay ng Pilipinas.