-- Advertisements --

Maaari nang magamit ang RORO Port sa Samar matapos ang higit sa isang linggong pagbuo nito ayon yan sa Department of Transportation (DOTr).

Layon nito na mas mapabilis pa ang pagaangkat ng mga produkto, krudo at maging mga pasahero patawid sa San Juanico Strait mula sa Samar papunta sa Taclboan at vice versa.

Naging mabilis din ang naging kontrsuksyon ng naturang port bilang tugon na rin ng ahensya katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) maging ang Philippine Ports Authority (PPA) katulong rin ang mga lokal na pamahalaan ng Tacloban at Samar sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na aksyunan agad ang naging pagsasara ng San Juanico Bridge sa mga heavy vehicles.

Ani transportation Secretary Vince Dizon, binilisan talaga ang pagtapos sa konstruksyon ng port para hindi makompormiso ang delivery ng mga produkto at mga serbisyo para sa mga mamamayang Pilipino sa mga naturang probinsiya.

Samantala, nagpasalamat naman ang kalihim sa naging mabilis na aksyon ng mga national agencies at maging mga local government units para agad na masolusyunan ang problema sa transportasyon sa San Juanico Bridge.