-- Advertisements --

Pansamantalang ibinaba sa Php1 ang RORO Terminal Fee (RRTF) para sa mga sasakyang nagdadala ng agricultural products, ayon sa Department of Transportation (DOTr) at Philippine Ports Authority (PPA).

Ang hakbang na ito ay tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang maibsan ang epekto ng mataas na oil prices sa transport sector dahil sa Middle East crisis.

Sakop ng reduced fee ang Type 3 vehicles gaya ng Light Delivery Trucks, Vans, at Pick-Up Trucks, at Type 4 vehicles gaya ng Heavy Delivery Trucks na may kargang raw at unprocessed agricultural products.

Ayon kay Transportation Secretary Banoy Lopez, nakahanay ito sa polisiya ng gobyerno sa food security, price stabilization, at logistics efficiency.

Dagdag pa niya, makatutulong ang pagbaba ng RORO Terminal Fee sa operating costs ng mga may-ari at driver ng sasakyang may kargang agri products.

Binanggit din ni Lopez na kailangang magpatuloy ang biyahe ng essential goods kahit mataas ang presyo ng krudo.

Sa kasalukuyan, ang terminal fee ay nasa pagitan ng Php65 hanggang Php516 depende sa uri ng sasakyan.

Sa ilalim ng bagong polisiya, magiging piso na lamang ito sa loob ng anim na buwan.