Aminado si House Assistant Majority Leader Jude Acidre na dismayado siya sa kawalan ng paghahanda sa epekto ng pagsasara ng San Juanico Bridge na sasailalim sa rehabilitasyon.
Sa kaniyang privilege speech, sinabi ni Acidre na maghahain siya ng resolusyon para imbestigahan ang kakulangan ng DPWH sa paglalatag ng contingency measures.
Diin niya hindi nila tinututulan ang pagsasaayos sa tulay.
Ngunit hindi aniya katanggap-tanggap ang kawalan ng plano sa magiging epekto nito.
Tinukoy niya ang kawalan ng abiso at pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan kaugnay sa pagsasara ng San Juanico Bridge para sa mga trak at bus na may bigat na lampas 3 tonelada.
Katunayan, inanunsyo lang aniya nila ang pagsasara sa tulay sa mismong araw na isasara ito.
Wala rin aniyang nailatag na alternatibong ruta at emergency logistics plan, ang maritime alternative ay inaaral pa lamang at hindi pa handa ang mga pantalan na gagamitin at wala ring sistema para sa price control