Napabilang sa finalist ng 48th Catholic Mass Media Awards ang iba’t-ibang programa ng Bombo Radyo Philippines.
Sa listahan na inilabas ng CCMA , kasama sa finals ng Best News Program Category ang Bombo Network News at Bombo News and Views Morning Edition ng Bombo Radyo Cebu.
Habang sa Best Educational Program, ay ang programang Good Morning Philippines ng Bombo Radyo Ilolo at I’ts All For You In The Morning ng Star FM Dagupan.
Sa kategorya ng Best Counseling Progam ay ang “Ang Pamilya Karon” ng Bombo Radyo Bacolod at ang “Kahapon Lamang Program” ng Bombo Radyo Vigan.
Kabilang naman ang Best Drama Program ang “Sarming Ti Biag” ng Bombo Radyo Vigan.
Nominado naman sa Best Business News ang “Coffee For Peace” ng Bombo Radyo Philippines habang ang Best Entertaiment Program ay ang “It’s All For You In The Morning ” ng Star FM Bacolod.
Sa Best News Feature naman ay napabilang ang “Virgin’s Well of Manaoag: Where Faith Finds Healing” ng Bombo Radyo Dagupan.
















