-- Advertisements --

Nagpaabot ng magkakahiwalay na abiso ang ilang kandidato sa pagka-pangulo sa May 9 elections para sa isasagawa umano nilang press conference nitong Easter Sunday.

Kabilang sa mga dadalo sina Manila Mayor Isko Moreno, Sen. Panfilo Lacson, Sen. Manny Pacquiao, dating Sec. Norberto Gonzales at dating presidential spokesman Ernesto Abella.

Isasagawa ito sa Manila Peninsula Hotel sa lungsod ng Makati.

Tumanggi na ang kanilang mga kampo na isiwalat pa ang ibang detalye ng idaraos na press conference.

Gayunman ayon sa ilang sources, wala naman daw aatras sa kanilang kandidatura kundi upang bigyang diin lang ang “call for unity.”

Kasabay din daw nito ang panawagan na tigilan na ang pagpapaatras sa kanilang pagtakbo.

Hindi naman imbitado sa naturang aktibidad sina Leody de Guzman at Vice President Leni Robredo.