-- Advertisements --

Nangangailangan ng mahgit P5.072 bilyon ang Department of Education (DepEd) para maisaayos ang mga paaralan na nasira ng habagat at mga bagyo.

Ayon sa DepEd na mayroong 476 na paaralan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ang nasira.

Aabot naman sa P1.013-B ang kailangan para sa pagsasaayos ng 624 na paaralan.

Sabi naman ng DepEd Disaster Risk Reduction and Management Service halos P277.34 milyon ang kailangan para sa minor repair ng 1,444 na paaralan at P46.983-M para sa paglilinis at clearing operations.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Disaster Risk Reduction and Management Service sa mga field offices at binabantayan ang mga impacts para agad na maisayos ang mga apektadong paaralan.