Reading Time: 1 minute
guiao2
Gilas Pilipinas head coach Yeng Guiao

Ikinatuwa ni Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao ang pag-boluntaryo ng ilang PBA players na makisali sa ensayo ng national team.

Sinabi ni Guiao, na isang malaking tulong ang pagsali ng ilang mga PBA players para lalong mapaigting ang paghahanda ng Gilas sa nalalapit na FIBA World Cup.

Ilan sa mga nagboluntaryong sumali sa ensayo ay sina San Miguel Beermen guard Chirs Ross at NLEX veteran Asi Taulava.

Nauna ng nagboluntaryong sumali sa ensayo ay sina Beau Belga at Stanley Pringle subalit isinama na sila ni guiao sa 19-man pool ng Gilas.