-- Advertisements --

Pinatawan ng contempt ng Senate Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform ang tatlong katao dahil sa pagsisinungaling ukol sa imbestigasyon sa agricultural smuggling.

Ang mga ito ay kinilala na sina Erwin Pascual, may-ari ng EPCB Consumer Goods Training; Andrew Calixihan, Bureau of Customs Deputy Collector for Asssessment sa Port of Subic; at si Mary Anabelle Gubaton, Customs Operations Officer III sa Port of Subic.

Sinabi si Pascual na inirehistro niya ang kaniyang negosyo sa pangalan ng kaniyang pamangkin na si Dexter Sonza Julia na isang delivery food rider.

Subalit lumabas sa imbestigasyon ni Senate committee chairperson Francis “Kiko” Pangilinan na hindi kailanman sangkot sai Juala sa pagiging brokers na malinaw aniya na nagsisinungaling si Pascual.

Habang si Calixihan ay nai-cite for comtempt dahil sa paiba-ibang pahayag tungkol sa tatlong trucks na nagbabiyahe ng mga produkto mula sa Subic noong Hunyo 27 na unang idineklara bilang chicken poppers subalit ito ay naglalaman pala ng mga sibuyas at frozen mackerel.

Hindi naman tinanggap ng committee ang paliwanag ni Gubaton kung saan hindi umano nito nakausap ang sinumang kinatawan ng Department of Agriculture at kaniyang sinabihan ang kinatawan ng consignee na maari silang magsagawa ng pagsusuri.

Ang tatlo ay pansamantalang ikinustodiya sa Senado hanggang makapagsumite sila ng panibagong mga affidavits.

Una ng na-cite in cotempt si Lujin Ramos Tenero na siang broker dahil sa pagsisinungaling habang ang isang broker na si Brenda de Sagun ay pinayagan ni Pangilinan na makalaya pansamantala para makakalap ng impormasyon sa taong si Mr. Vicente na nag-kontak sa kaniya para sa pag-angkat ng mga produkto.