Ilan sa mga pinoy sa Lebanon ang nagsabing nahihirapan silang makauwi ng Pilipinas dahil sa kanilang mga amo habang ang ilan naman ay nahihirapang makakuha ng exit clearance.
Kabilang dito ang nasa 22 mga pinoy na karamihan ay domestic helpers na nais na ma-repatriate.
Ayon kay Atty. Ace Millar, head ng OWWA Repatriation Assistance Division, kasalukuyang inaayos na ang mga exit visa ng OFWs at sa ngayon ay may hawak na sila sa kanilang shelter na nasa 178 na pinoy.
Una nang iniulat na naghahanap na ng paraan ang embahada ng Pilipinas sa Lebanon na masagip na ang mga pinoy na nasa lugar na apektado ng tumitinding tension sa Lebanon.
Hindi bababa sa 86 na pinoy na ang nakauwi na ng bansa at patuloy pa rin ang panawagan ng gobyerno sa mga pinoy sa lebanon na samantalahin na ang pagkakataon at magpa-repatriate na habang bukas pa ang mga paliparan.