CAUAYAN CITY – Naiyak na nagpasalamat ang ilang residente ng Barangay Carabatan Bacareño, Cauayan City sa Bombo Radyo Philippines Foundation sa pamamagitan ng Our Lady of the Pilar Parish Church dahil sa natanggap nilang tulong.

Isa na rito si Henesia Velasco, na kabilang sa lubhang naapektuhan ng pagbaha sa lungsod, malaking tulong ang mga relief goods na natatanggap nila ngayon lalo na at hindi pa sila makapagtrabaho dahil abala pa sila sa paglilinis.

cauayan relief evacuees floods rice

Labis ang pasasalamat niya sa Panginoon at sa mga nagbibigay ng tulong sa kanilang barangay pangunahin na ang Bombo Radyo Philippines Foundation at sa Our Lady of the Pilar Parish Church dahil sa kabila ng naranasan nilang pagbaha ay hindi pa rin sila pinapabayaan ng Diyos.

Aniya, wala silang ibang kinapitan nang mabaha ang buo nilang barangay kundi ang Panginoon kung saan umabot pa hanggang sa second floor ng kanilang bahay ang tubig-baha.

Sa ngayon ay marami na ring nauna na nagtungo sa kanilang barangay para mamahagi rin ng tulong.