-- Advertisements --

Ilang mga domestic flights ang kinansela na ngayong araw, Setyembre 26, bilang pag-iingat sa inaasahang epekto ng Bagyong Opong, na patuloy na nakakaapekto sa ilang bahagi ng bansa.

Narito ang ilang mga kanseladong Biyahe:

Cebu Pacific at Cebgo
– Mga biyahe mula Tacloban, Daraga, Iloilo, Caticlan, Busuanga, Masbate, Calbayog, Naga, at iba pa.

AirSwift
– Kanselado ang mga biyahe sa rutang Manila–El Nido, El Nido–Busuanga, El Nido–Caticlan, at vise versa.

AirAsia Philippines
– Maraming biyahe mula Manila papuntang Caticlan at Kalibo ang kinansela, kabilang ang Z2 213–228 at Z2 711–716.

Philippine Airlines (PAL)
– Apektado ang mga rutang pa-Manila–Tacloban, Caticlan, Daraga, Busuanga, Basco, Catarman, Roxas, at iba pa.

Kaugnay nito pinapayuhan ang mga biyahero na makipag-ugnayan sa kanilang airline para sa rebooking o refund options.