-- Advertisements --

Pumalo na sa 51 ang bilang ng mga nasawi sa Vietnam dahil sa Bagyong Bualoi (dating Opong) dulot ng malawang pagbaha, ayon sa ulat ng vietnam government ngayong Biyernes. Naitala rin ang 14 kataong nawawala at 164 ang mga nasugatan.

Kung maaalala tumama ang bagyo noong Lunes sa hilagang gitnang bahagi ng bansa, matapos manalasa sa Pilipinas na may dalang malalakas na hangin at pag-ulan.

Kaugnay nito umabot narin sa 15.9 trillion dong o halos $603 million ang tinatayang pinsala dulot ng bagyong Bualoi.

Kung saan apektado ang libu-libong kabahayan, paaralan, kalsada, at opisina, habang apektado rin ang suplay ng kuryente sa maraming lugar.

Tinatayang 230,000 kabahayan sa Vietnam ang naapektuhan at halos 89,000 ektarya ng palayan at pananim ang nasira dahil sa hagupit ng bagyong Bualoi.